photo source: livingcebuforums.com |
Magkano ba ang Machine? may mga offer ngaun na kya magconnect ng 100 users pero ang presyo Php 17,000 - 18,000 or higher pa meron din naman na mas mura pero konti lang users na pwede sabay-sabay magconect.
photo source: epinoy.com |
1. One time na gastos lang sa pagbili ng machine kumpara sa pagtayo ng pisonet at 'di mo kailangan mag-upgrade agad agad.
2. Maliit na space lang ang kailangan
3. Pwede mo ilagay sa mga pwesto gaya ng tindahan, terminal, palengke at mga matataong lugar basta may existing internet na.
4. Pwede sa mga comp shop
5. Matipid sa kuryente
6. Mas mura na internet connection para sa iyong phone kumpara sa Mobile Data na offered ng Globe, Smart at Sun
pero teka muna sino ba ang target mong customer dito? syempre yung mga addict sa wifi, yung mga mahilig maglaro gamit ang kanilang smart phones, kung Fb lang naman karamihan aasa lang sa Mobile Data nila.
Disadvantages (CONS)
1. Mahal ang machine
2. Marami na ngayon na free wifi na lugar
3. Pwede ka mareklamo pag nilagay mo yan malapit sa school at 'di mo block ang mga porn sites
4. Konti lang ang customer maski ilagay mo pa yan sa mataong lugar kasi nga ang gagamit lang nyan kadalasan yung mga addict sa smartphone games.
5. Tulad ng Pisonet or compshop brownout ang kalaban nyan.
Mas marami naman palang advantage kaysa sa disadvantage pero sa aking opinyon ang ROI ay hindi ganun kabilis.
Paalala: Ang blog na ito ay nais lamang makatulong sa mga nagplalanong bumili o maglagay ng wifi vending machine kung mayroon kayong comments/suggestions maaring ipaalam sa blogger.
No comments:
Post a Comment